top of page

BAYAN
Sa manlulupig, 'di ka pasisil.
Tunghayan ang natatanging hiwaga ng Pilipinas.
FILIPINO TUNGO SA PAGBABAGO
ni Francis "Koby" Rada
Natatandaan mo ba noong dumating ang mga Kastila? Pinilit nilang angkinin ang kayamanan at karapatan ng Pilipinas, ‘di ba? Ang wika'y pinilit alisin at pinagkait upang tayong manatiling alipin at sunod-sunuran.
Lumaya at nabigyan ng pagkakataong umangat, ngunit lagi namang may kadikit na banyagang sasalungat.
Nagawang umunlad ng Hapon, Koreano, at Instik sapagkat sariling wika nila'y minahal at ginamit; kaya’t patuloy ang dumating na pag-asenso. Mananatili na ba tayong bulag at bingi sa katotohanang hindi natin maabot ang kaunlaran?
bottom of page