top of page

BAYAN

Sa manlulupig, 'di ka pasisiil.

Tunghayan ang natatanging hiwaga ng Pilipinas.

Filipino Tungo sa Pagbabago

ni Francis "Koby" Rada

Naaalala mo ba?

Na dati ng nagkalat ang mga bala sa lapag, Na dati ng humandusay at nahimlay ang mga magigiting na katawan, mga pulang tubig na bakas ng pinaglabang katapangan. Diba't ganito natin ipinaglaban ang ating kasalukuyan? Pero bakit parang tuluyan na nating kinalilimutan? Sapagkat ngayo'y nauulit nang nauulit ang bawat saglit noong may mga bala sa tabi, mga dugong iba'y galing pa sa mga batang paslit na walang alam, walang alam kung'di maglaro sa daan.

Ngunit napagbibintangan, napaghihinalaan. Kaya't kamatayang walang paalam ang sinasapit. ‘Wag ka nang magtataka kung ang mga kababayan mo'y galit na galit, dahil napagtanto na nila na masmasahol pa sa ating nakaraan ang ating kasalukuyan.

Bonifacio Monument. Courtesy: Wikimedia Commons (2013) https://commons.wikimedia.org/wiki/File:BonifacioMonumentjf9889_06.JPG
bottom of page