top of page
108996179_332264191106807_49489019640783

YUGTO

GUNITA

PLUMA

CARITELA

KINAIYA

PAHAM

SILAKBO

DALUBWIKA

Tulad ng Mulawin

sinulat ni: Rafael Zulueta da Costa

Sa pagtula ni: Francis Rada

Huwag muna, Rizal, huwag muna. Huwag ka munang mamayapa.
Isang libo pang katubigan ang kailangang dangkalin
isang libo pang mga bundok ang kailangang tawirin
isang libo pang mga krus ang kailangang pasanin.
Lantutay ang aming mga balikat, pinalambot
ng pagkapalaasa ang aming mga litid, nasanay
sa alwan ng pagpapasailalim sa banyagang pakpak.
Huwag mo munang papayapain ang kaluluwa mo.
Huwag muna, Rizal, huwag muna. Muling
nanghihingi ang lupa ng sariwang dugo, at kaninong
dugo kaya ang makatutumbas sa ibinigay mo,
Walang hanggang itinigis sa ngalan ng kalayaan
Walang hanggang nakaalay sa altar ng malalaya?

 

Marami pang iba, Rizal. O mga kaluluwa
at mga espiritu ng magigiting na martir,
magsigising kayo! Magsigising kayo at tahipan
ang lupa! Itigis ninyong muli ang inyong mga dugo,
ang malapot na kapulaha'y isalin
sa aming mapapayat at mapuputlang mga ugat;
hanggang sa mahugot naming muli
ang aming maalamat na pagkamalikhain, at taglay ang lakas,
Mula sa di-madalumat na lalim ng inyong pinagsanib-sanib
na pananampalataya sa amin, ay amimg maiukit
sa tahimik na dahilig ng kalayaan
ang malamarmol ninyong mga pangarap!
Hanggang sa ang aming bayan, malawig ang pananaw,
ay maging tulad ng Mulawin, mataas, matikas, hindi natitinag,
matayog sa paglago sa gilid ng burol, walang takot,
Matibay sa sarili nitong hibla, oo, tulad ng Mulawin!

Superhero

Sinulat ni: Beverly Cumla

Sa pagbigkas ni: Carmela Fritz Briones

Magsisimula ako sa wakas ng hininga mo

Sa huling dakong pinatunayan mong ikaw ang superhero sa storyang nagging biktima ako

Ikaw ang orihinal na superman na kayang labanan ang kasamaan

Ang unang Batman na kayang sumugod sa kadiliman

Ang nagging Spiderman para balansihin ang nagkakagulong mamamayan

Daig mo pa

Si Fantastic Man na ang kayang baliin lang ay ang kanyang katawan

Dahil ang nabali mo, isang matinding hidwaan

 

Mas malakas ka pa sa Avengers sa sobrang dami mong kakayahan

Walang wala ang mga robots at aliens sa sangkalawakan

Ang buhay mo ay di kailangan ng kapangyarihan para makilala ka ng nasasakupan

Dahil sa mata ng bayan

Ikaw ang tunay na idolo ng kabataan

 

Rizal, ikaw ang natatanging katibayan na ang kabataan ay may dapat paniwalaan

Pero tulad ng mga superheroes sa sinehan, lahat sila’y may kahinaan

Lahat ay dumadating sa huling hantungan

Ngunit ang buhay na inalay sa lupang tinubuan

Ay may bukas na patutunguhan

Tulad nga ng yong kasabihan

“Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan”

 

Nakuha naming ang ‘yong pagiging palaban

Ang taglay mong katapangan at paninindigan

Na kapag may mali ay hindi matatakott lumaban

Basta ang tanging hiling ay kaayusan sa bayan

 

Hindi mo kami tinuruang gumamit ng dahas

Na para bang kakain ng hayop na kami ang ahas

Tinuruan mo lang kaming maging malakas

Kapag naiipit na sa problemang mahirap makatakas

 

Magtapos ng pag-aaral ang pangaral mo

Dahil ang edukasyon ay simbolo ng kayamanan di maaagaw kahit nino

Ngunit may ilan lamang akong napansin sa makabago kong mundo

Tila imbes na basahin ang libro ay mas madalas nang gumamit ng kodigo

Maging ang pananaliksik na naging bahagi ng buhay mo

Ngayoy ginagawa pa rin ng mga kabataan pero di tulad ng iyo

Kung nagsasaliksik ka noon para matuto

nagsasaliksik naman ang mga kabataan ngayon para makasigurado

Makasiguradong boypren nila ay di manloloko

Kung minsan namay para malaman ang estado

Estado ng ex niyang pinagpalit sya dahil may bago

Bubuksan ang account ng jowa nito

Titingnan kung may mas maganda pa sa kanya tapos mag iinarte nang todo

Malimit na kasing gamitin ang searching para makatuklas ng bago sa mundo

Ang mas madalas nang gawin ay stalking para matuklasan kung may bago ang nobyo

 

Noong panahon mo Rizal sa kakasearch mo matututo kang lumaban

Ngayong modernong panahon ng kabataan sa kakastalk mo mas lalo kang masasaktan

Madami kasing natutuklasan, imbes na gumawa ng paraan, gagawa pa ng digmaan

Ayun, mauuwi sa hiwalayan

E kung mas madalas kang magbukas ng encyclopedia’t libraryo

Ngayon ay mas madalas nang magbukas ng facebook at twitter ang mga kabataan mo

Kung madalas mong sabihin na, “Mahal ko ang bayan ko!”

Mas madalas na nilang sabahin ngayon ang “Lablab kita asZaWha qouh”

Ang mga kababaihan dati ay konserbatibo

Ngayon ay nakapaskil na sa may Cubao ang mga malalaswang litrato

Ang mga lalaking datiy hindi magkaugaga s atrabaho

Ngayoy marami nang oras sa panonood ng pornograpiko

Naaalala ko pa ang Kalayaan na minsan mong pinaglaban

Ngayo’y tinatamasa ng nasa kasalukuyan

Kahit sinoy makakapagsalita nang walang kinatatakutan ngunit minsay nagagamit sa maling paraan

 

Noong panahon moy pagsusulat ang tanging bala

Komunikasyon ay sobrang hirap ipadala

Ngunit nagtiis ka para mamulat ang iba

Naghayag ka sa kaayusan ng bayang nagdusa

 

Pero bakit ngayon ay tila lumalala na?

Mas mabilis nang makapagbato ng linya kahit nasa kabilang ibayo ay makakausap ang iba

Malaki ang dulot ng teknolohiya

Ngunit bakit kung kelan mas mabilis na ay tila mas nagkakagulo pa

Nag-aaway-away habang nakaupo sa silya, kasabay ay mga nanggigigil na daliring pumipindot ng mga letra

Nagsasagutan, sa isang binabahaging problema

Hindi matatapos hanggang makisalo na ang iba

 

Para sa Kalayaan ikaw ay sumugal

Kalayaan sa pagsasalita ngayon ay umiiral

Ngunit naliligaw ata ang ilang kabataan mo Rizal

Walang gaanong kaalaman, pero labis kung dumaldal

 

Malaki na ang pinagbago ng mga batang mamamayan

Pero naniniwala pa rin ako sa iniwan mong kasabihan

“Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan”

Ngunit bago sila maging pag-asa ng bayan

Siguro kelangan munang bayan, ang maging pag-asa ng kabataan

 

Maling landasin ang tinuturing ng bayan kung minsan

Kung anong nakikita ng kabataan, ‘yun ang kanilang sinusundan

Pero madalas ay namumulat sila sa maling paraan

Kaya naliligawa sila ng tatahaking daanan

Pero wag kang mag-alala

May mga kabataan pa’ring edukasyon ay labis pagbigyang halaga

Lalo na yung mga batang hindi gaanong maulan sa pera ngunit nakuha nila ang ideya ng yong sipag at tyaga

Hindi ko rin kakalimutang ibahagi sayo ang mga taong naninilbihan sa bayan nating ito

Hindi man sila katulad mong superhero na tinitingala ng mga tao

Sila naman ang nagbibigay parangal sa bansang noon ay pinaglaban mo

 

May mga kabataan pa ring lumalaban sa ibang bansa gamit ang talino at talentong meron sila

Hindi sila dumayo para makidigma kundi magpakitang gilas para sakarangalan ng bansa

Taglay pa rin ng ilan ang pagiging Makabayan

Kahit itoy mapatunayan man lang sa mga simpleng paraan

Ang mga turo moy pilit itinatanim sa isipan kayat mananatili pa rin kaming lumalaban para sa ikauunlad ng bayan

 

Ngunit hayaan mo akong maglaan ng isang katanungan para sa ilang kabataang naligaw ng maling landasan

Marahil hanggang ngayoy wala pa ring kasagutan dahil ang ilan sa kanilay di sinusubukang isabuhay ang mga aral na iyong iniwan

Hayaan mo akong mag iwan ng isang katanungan nang gumawa sila ng paraan para matuklasan ang mga dapat malaman

Hayaan mo akong kumalikot sa kanilang kaalaman ng mabigyang halaga nila ang iong paglisan

Mula, sa buhay na inalay ni Rizal sa sangkatuhan

Kabataan sa kanyang kamatayan

Ano nga ba ang ating binuhay sa kasalukuyan?

Cold-Hearted Paradise

Written by: Zyron Jerald Pomasin

Performed by: Francis Rada

Cold-Hearted Paradise.png
00:00 / 02:10

A land that’s dark over the years,

The people cries with bloody tears.

It signifies the hunch of fears,

The fears that made their world unclear.

​

There is a thing, that people dreamed,

A thing in which can light the dim.

Such dim devours the paradise,

A paradise where people cries.

​

“What do we need?” A person asked,

We need a thing, as red as blood.

Such thing is strong, but is abstract,

The rival of the brain that act.

​

The paradise is poor and bad, Impoverished, it best describes.

But people do believe in light,

The day will come, where dim will die.

It is the heart of paradise,

As bad as lies, as cold as ice.

It is the part, the people’s heart,

A pumping fist, where vile depart.

 

But people still tend to believe,

That day will come they’ll be relieve.

They will still fight, and never leave,

The fight of change to be receive.

 

Years have gone by, they stop the fight,

The darkness runs away from light.

It is because of melted ice,

Deep in their heart once full of lies.

​

“What is this thing?” Again he asked,

A person said it is the love.

Such thing is strong, but is abstract,

A love that gives their life a light.

bottom of page